THE END OF SUMMER




  • 0

THE END OF SUMMER

Postby pala kokey » Mon May 26, 2014 4:24 pm

    

END OF SUMMER

Para sa kabataan ang summer na siguro ang pinakamasayang buwan sa buong taon syempre bukod sa Pasko at bagong taon kung saan walang pasok. Taong 1995 buwan ng bakasyon ito na yata ang taon na hindi ko malilimutan maliban sa madalas mag brown-out hindi pa uso ang salitang FB,Twitter at Instagram. Masarap magpatugtug ng mga kanta gamit ang cassette tape na iniikot pa ng ballpen ang magkabilang butas pag ito’y nabubuhol lagi kong pa noong inaabangan at TGIS tuwing sabado at ang pakikihalubilo sa mga barkada at paglalaro sa gabi ay maituturing na kayamanan na parang hindi kayo nagkikita araw araw kahit siguro ilang playstation at Xbox pa ang itapat hehehe… Madalas akong utosan ng aking nanay sa tindahan kung saan ito rin ang lugar na gustong-gusto kong tambayan madalas dito kami nagkukumpulan mga magkakaibigan habang ngumangasab ng sitsirya at softdrink madalas nag uusap tungkol sa palabas sa TV bagong usong kanta dito din kami nag pa praktis ng aming mga vocal chords gamit ang lukot lukot na song book at gitara kaya madalas kaming sinisigawan ng may ari ng tindahan na “mga @#$% kayo magsi uwian nga kayo sa mga bahay nyo” pero ang gagawin namin lilipat lang kami sa lugar na walang tao gaya ng basketball court, multipurpose hall o di kaya sa simbahan. Ito rin ang taon kung saan ko nakilala ang taong naging especial sa aking buhay. May naghahakot ng gamit papasok sa bahay na malapit sa tinitirahan naming tinanong ko ang nanay

Ako “sino kaya yung bagong lipat na kapitabahay natin”
Nanay “ sira ninang cristy mo ang lilipat diyan, kung sa bagay hindi mo sya naalala kasi 5 years old ka pa lang ng umalis sila sa bahay na yan”
Ako “ ahh ganun ba!? Bakit saan po ba sila galing?”
Nanay “ ang alam ko kasi galing sila ng pampanga kasi dun nakatira ang asawa nya. Ay sya hayaan mo mamaya pupunta tayo sa bahay nila ng makamusta ko at ng masingil mo na rin yang ninang mo ang laki na rin ng utang nun sa’yo hahaha…”

Kinagabihan ng araw din na yun pumunta kami ni nanay magulo pa loob ng bahay nila

Nanay “magandang gabi”
Ninang “hoy mila ikaw pala pasok sino ang kasama mo? Ito na ba ang inaanak ko ang laki na ha! Ano nga pala ang pangalan mo anak?”
Ako “andi po ninang mano po”

Habang nasa loob ng bahay may mga makukulit na mga bata na naghahabolan siguro yun ang mga anak ni ninang

Ninang “ o ayan nga pala ang mga kinakapatid mong si Janette at Janice” yung panganay ko umalis pumunta ng school”

Habang nag uusap si nanay at ninang nalaman ko na naghiwalay na pala sila ng asawa nya kaya ngayon sya na lang mag isa ang tumataguyod sa pamilya nya. Kaya ayun ang topic sa bahay tungkol kay ninang

Nanay “ kawawa naman tong si kumareng cristy hiwalay na pala sila ng asawa nya”
Tatay “eh nung umpisa pa lang tingin ko talaga hindi magtatagal yung dalawang yan eh kasi may pagka ignorante ang lalaki kasi nga may kaya yun sa buhay. Ehhh saan ba nakilala ni kumare yun
Nanay “ sa eskwela nung nagaaral pa si cristy sa college kung sabagay tapos naman yang si mare kaya nya sigurong buhayin ang sarili at pamilya nya.


Last edited by pala kokey on Wed May 28, 2014 5:48 am, edited 2 times in total.
User avatar
pala kokey
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
 
Posts: 532
Joined: Sun Nov 06, 2011 3:44 pm
Location: region 3
Country: Philippines (ph)
Reputation: 117
Real Life Name/Nick: eli
Date of Birth: 26 Nov 1983
Gender: Male
Profession: food hunter
Western Zodiac Sign: Sagittarius
Chinese Zodiac: Pig
Hobbies/Interests: watching,eating,playing anything
Message: muah muah tsup tsup

  • 0

Re: THE END OF SUMMER

Postby khamuzzz » Tue May 27, 2014 3:22 am

bitin...hehe
User avatar
khamuzzz
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
 
Posts: 675
Joined: Sun Dec 21, 2008 1:59 pm
Country: Philippines (ph)
Reputation: 55
Date of Birth: 19 Feb 1989
Gender: Male
Profession: student
Western Zodiac Sign: Pisces
Chinese Zodiac: Snake
Hobbies/Interests: internet, drawing, watching tv
Message: Write a message here

  • 0

Re: THE END OF SUMMER

Postby HiddenSpice » Tue May 27, 2014 4:24 am

Anyare? :#)]
User avatar
HiddenSpice
SUPER STARS are POPULAR or CHARISMATIC posters.
SUPER STARS are POPULAR or CHARISMATIC posters.
 
Posts: 5341
Joined: Fri May 03, 2013 1:39 pm
Country: Thailand (th)
Reputation: 8178
Real Life Name/Nick: Miss Chuniverse
Date of Birth: 23 May 1986
Gender: Male
Sexual Orientation: Lesbian
Profession: Superstar!
Hobbies/Interests: -------------
Message: ---------------------

  • 0

Re: THE END OF SUMMER

Postby pala kokey » Wed May 28, 2014 7:01 am

Nakakalungkot mang isipin pero ganun siguro ang nakaguhit sa palad ni ninang

Tuwing nalulungkot ako isang tao lang ang pinupuntahan ko si Ate Rachelle sya na siguro ang pinakamagandang babae sa lugar namin halos lahat ay napapatingin sa kanya dahil sa maganda nitong mukha, talino at ugali madalas akong bumibisita sa kanya para manghiram ng walkman at stereo cassette na portable,pareho kaming mahilig makinig ng musika madalas akong pagdiskitahan ni ate minsan nilalagyan nya ng make-up ang mukha ko gamit ang make-up ng nanay nya kahit alam nyang lalaki ako tuwang tuwa sya dahil nagiiba raw ang mukha ko para raw akong babae pag may make-up, (siguro kahit sino namang tao lagyan ng kolorete ang mukha nag iiba ang itsura)

Ganun pa man isang lugar lang ang gusto kong puntahan ang basketball court maraming puno at talahib ang lugar na yun pero mas masarap magpalipas ng oras dun pag gabi dahil mapayapa at walang tao madalas akong nahihiga sa mga upuan doon at nakatingala sa ulap at nangangarap lalong lalo na kapag maliwanag ang buwan at tanaw lahat ang bituwin sa langit

Kinabukasan kaarawan ni tatay nagluto si nanay ng pansit at lumpia inutusan akong dalhin iyon sa bahay ni ninang

Nanay " anak dalhin mo nga tong pansit sa ninang mo sabihin mo birthday ng tatay mo"
Ako " sige po nay"

pero masama ang loob ko kasi nabitin ako sa panonood ko ng TV si nanay talaga pwede naman utusan si kuya bakit ako pa wala naman ibang ginawa yun kundi kumain at matulog hmm

Kumatok ako sa pinto "tao po ninang may tao po ba!?" pinagbukasan naman ako ng pinto ni ninang at pinatuloy sa bahay nya kasalukuyang naglilinis ng bahay si Ninang pero nakaayos na ang sala "ninang pinabibigay po ni nanay" "ano ba yan" sambit ni ninang "nagluto po ng pansit si nanay kasi birthday po ata ni tatay" "ahh sige akin na para masalin ko sa lalagayan hintayin mo na lang" umupo muna ako sa sala nila, habang nasa sa sala may napansin akong bagay parang remote control pero hindi, napuna yata ni ninang na nakatingin ako sa gamit "Brick game yan laruan ng anak ko sige maglaro ka muna" tuwang tuwa naman ako sa brick game "nandiyan ba ang nanay mo sabay na tayo para mahatid ka at ng mabati ko na rin si kumpare

Sa sobrang libang ko hindi ko na napansin na nadala ko pala ang brick game hanggang sa labas, napatambay ako sa tindahan hanggang sa makita ako ng mga kaibigan ko doon "anong ginagawa mo at ano yan?" "brickgame hiniram ko kay ninang" "wow ang ganda naman nyan pwedeng pahiram" " ay naku baka magalit sa akin si ninang at mawala mo pa to pag pinahiram ko sa yo" maya maya'y may biglang may humablot sa brick game "HOY SINO KA AKIN NA NGA YAN"
"at sinong may sabi sa yo na kunin mo ang laruan ko!? magnanakaw ka no" ang sabi ko sa kumuha ng laruan "sinong magnanakaw at anong laruan mo akin kaya to!?" ang sabi ng kumuha ng laruan habang tangan tangan ang brickgame, gusto ko talagang awayin siya pero malaki siya sa akin gusto kong batuhin ng bato ang mukha niya pero di ko magawa dahil sa maamo nitong mukha at mapupunagay na mga mata buti na lang at nandoon si Mang Remy "TEKA LANG akin na nga yan. at bakit mo kinuwa tong laruan eh kanina pa to hawak hawak ni andi" "akin po talaga yan kaya pa pala kanina pa nawawala eh kinuha ng batang yan" ang sabi nya kay mang remy "oh sige kung sayo nga toh may katibayan ka ba?" ang wika ni mang remy "opo yung loob ng takip ng battery nakalagay po dun ang pangalan ko" bilang tugon sa sinabi nya binuksan nga ni mang remy ang takip sa lalagyanan ng battery at tama sya may naksulat nga na pangalan dun JASON ang nakalagay "paano ba yan tama si totoy" ang wika ni mang remy sa sobrang hiya ko tumakbo ako pauwi ng bahay
Last edited by pala kokey on Sat May 31, 2014 3:49 pm, edited 2 times in total.
User avatar
pala kokey
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
 
Posts: 532
Joined: Sun Nov 06, 2011 3:44 pm
Location: region 3
Country: Philippines (ph)
Reputation: 117
Real Life Name/Nick: eli
Date of Birth: 26 Nov 1983
Gender: Male
Profession: food hunter
Western Zodiac Sign: Sagittarius
Chinese Zodiac: Pig
Hobbies/Interests: watching,eating,playing anything
Message: muah muah tsup tsup

  • 0

Re: THE END OF SUMMER

Postby pala kokey » Wed May 28, 2014 7:28 am

Pagdating sa bahay dumertso agad ako ng kwarto at nahiga hindi ang gulo sa tindahan ang naalala kundi ang mukha nya "jason pala ang pangalan nya siya siguro ang panganay na anak ni ninang" sya ang kauna unahang lalaki na hinangaan ko ang itsura matangkad, maganda ang hubog ng katawan at maamo ang mukha simpatiko ang dating nya para sa akin
User avatar
pala kokey
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
MISSOSOLOGISTS are OFFICIALLY part of the MISSOSOLOGY FAMILY.
 
Posts: 532
Joined: Sun Nov 06, 2011 3:44 pm
Location: region 3
Country: Philippines (ph)
Reputation: 117
Real Life Name/Nick: eli
Date of Birth: 26 Nov 1983
Gender: Male
Profession: food hunter
Western Zodiac Sign: Sagittarius
Chinese Zodiac: Pig
Hobbies/Interests: watching,eating,playing anything
Message: muah muah tsup tsup


Return to Romance, Love & Relationships

Who is online

Users browsing this forum: No registered users


contact us to advertise with missosology

Reputation System ©'