Mga vakz, pansin ko lang hah, bakit kaya mahilig ang event organizer sa mga baklang performer. Nung Governors Ball eh si Jedidah Madella. Ngayon naman sa Gala Dinner eh si Christianna Bautista. Eh baka sa Preliminary Competition eh si Erika Santos naman. Kalokahhhh,,, CHAROTSSSSSSS
ISANG kaibigang nakadalo sa isang event ng ilang grupo ng mga kandidata ng 65th Miss Universe sa Makati Shangri-La ang nagkuwento sa aming hinimatay ang dalawang kandidata habang on-going ang activity na dinaluhan nila.
Hindi lang sure ang aming source kung pagtitipon iyun ng sponsors ng timpalak pero dumating daw ang unang grupo at sila ang unang isinalang.
Nagulat daw ang mga taong dumalo nang biglang hinimatay sina Miss Angola (Luisa Baptista) at Miss Curacao (Chanelle De Lau).
Nakunan daw ito ng media, pero pinakiusapan daw sila ng mga staff ng Miss U na huwag na lang nila ilabas.
Usap-usapan daw ng mga sumusubaybay sa activities ng Miss Universe, pagod na pagod na raw ang mga kandidata.
Araw-araw ay may activities sila na kailangan nilang daluhan. Sa dami raw ng mga dapat puntahan, pinaghahati-hati na lamang sila para mapagbigyan lahat.
Overfatigued na raw ang iba dahil kulang sa tulog at laging pagod.
Iyun daw ang dahilan kaya hinimatay sina Ms. Angola at Ms. Curacao.
Pero masayang-masaya daw ang lahat, lalo na’t namamangha raw sila sa ganda ng Pilipinas.
Ang gaganda ng mga lugar na pinuntahan at masaya sila sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa kanila.
Sarap na sarap pa raw ang karamihang kandidata sa mga pagkaing inihanda sa kanila.
Ang ilan pa sa kanila ay aliw na aliw sa pag-aaral ng wikang Tagalog.
Nakakatuwa si Ms. Costa Rica na si Carolina Rodriguez na type na type ang mga Pinoy, dere-deretso na siyang magpakilala ng sarili sa wikang Pinoy.
Tuwang-tuwa pa raw siyang pag-aralan din ang mga salitang bading.
Kapag kinakausap mo ito, isinisingit daw niya ang “choz” at “charing.”
Sa totoo lang, halos lahat daw sila ay masaya sa pamamalagi nila sa ating bansa.
Hinding-hindi nila makakalimutan ang pagsali nila sa Ms. Universe na sa Pilipinas ginanap.
HINDI naman siguro magrereak si Diane Medina at ang pamilya ng kandidata natin sa 2016 Miss Universe sa sinabi ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz na ‘one in a million’ ang chance ni Maxine Medina na bigyan ang Pilipinas ng back-to-back victory sa Miss U.
Diretso rin ang pahayag ni Ms. Gloria na hindi dapat umasa ang mga Pinoy na mananalo ng korona si Maxine dahil tayo ang host country at magmumukhang hometown decision ‘yon.
“Can you imagine if we make our representative win? Eh ‘di magwawala lahat ng candidates and also their countries, their ambassadors? And they would all think that we are unfair.”
May pagka-exagg ang sinabing ‘yon ng actress-beauty queen dahil nangyayari ‘yon na nananalo ang host candidate at wala namang nagwawalang bansa o ambassador.
Isa pa ay puro foreigners ang bubuo sa panel of judges, so hindi masasabing biased ‘yon.
Ang tanong lang ay kung malakas ba ang laban ni Maxine, na in fairness ay nagagandahan si Ms. Gloria.
May hirit din ang first Pinay Miss U na dapat i-insist ni Maxine na gumamit ito ng interpreter sa Q&A portion para mas makapag-isip ito in Tagalog.
Kung maka-push ‘yung iba na dapat kumuha ng interpreter (o translator) si Maxine ay para bang sure na sure na tayong papasok ang Philippines sa finalists.
Malaking pressure kay Maxine na siguraduhing makapasok muna siya sa Top 12 (swimsuit competition), tapos ay sa Top 9 (evening gown), bago ang Top 6 kung saan magaganap ang inaabangan (at kinatatakutang) Q&A.
Mas dapat niyang paghandaan ang isasagot niya, English man o Tagalog.
Kahit may interpreter siya, kung sablay ang sagot niya ay balewala rin.
Biruan tuloy ng mga bading, dapat ay pumili si Maxine ng genius na interpreter at kung waley ang sagot niya ay bahala na ang interpreter at quiet na lang tayong lahat.
May brilliant suggestion din na ang dapat sabihin ni Maxine sa kanyang interpreter ay, “Ate, mga kababayan, atin-atin lang ito, ha?
Ikaw na bahala sumagot para sa akin. ‘Yung pak na pak, ha? That’s all, thank you!” Ha! Ha! Ha! Ha!
Naglabas ng Top 10 hot picks ang website na Missosology para sa nalalapit na 65th Miss Universe pagkatapos ng ilang special presentation ng mga candidates. Ang Missosology ay website kunsaan natatagpuan ang mga major beauty pageants sa buong mundo kunsaan nangunguna ang Miss Universe.
Ang top picks na ito ay choice ng mga followers ng naturang website. Nangunguna sa pilian for Top 10 ay si Miss Nicaragua na si Marina Jacoby.
Description pa nila kay Jacoby: “She did not even need to try hard to get noticed. And when she got selected to appear in a popular morning TV show in the Philippines, she was able to express herself with calmness, confidence and maturity; inner qualities that make her ready to take the Miss Universe job, and live in New York for a year.”
Pangalawang puwesto naman si Miss Thailand Chalita Suansane na “extremely photogenic”. Wala raw panget na anggulo si Suansane.
Ikatlo ay si Miss Venezuela Mariam Habach na “flawless” noong nagkaroon ng swimsuit presentation sa Cebu kamakailan.
Kasama pa rin sa pilian si Miss Philippines Maxine Medina na nasa ikaapat na puwesto. Hindi raw nakasira kay Maxine ang mga paninira tungkol sa kanyang communication skills. Pamatay pa rin daw ang ganda ng Pinay.
At nasa 5th spot ay si Miss Sierra Leone Hawa Kamara na “unique and exotic” ang beauty. Ito ang first time na sumali ng bansang Sierra Leone sa Miss Universe at may dalang suwerte raw ang first timers.
Naaalala nila kay Kamara si Miss Botswana Mpule Kwelagobe na first time sumali noon at win ito bilang Miss Universe 1999.
Ang nasa lima pang puwesto ay sina Miss Brazil Raissa Santana; Miss Great Britain Jamie-Lee Faulkner; Miss Belgium Stephanie Geldhof; Miss Barbados Shannon Harris and Miss Mexico Kristal Silva.
Puwede pa raw magbago ang listahan na ito habang papalapit ang Miss Universe pageant.
SEEN : Walang dapat ikahiya si Miss Universe Philippines Maxine Medina dahil mali-mali rin ang English grammar ni Miss Universe Colombia Andrea Tovar. #HindiSiyaNag-iisa.
SCENE: Dalawang ex-Miss Universe ang dadalo sa 65th Miss Universe coronation sa January 30, si Dayanara Torres ng Puerto Rico at Sushmita Sen ng India.
SEEN: Ngayong gabi ang tribute kay Miss Universe Pia Wurtzbach sa Sofitel Hotel. Dadalo sa tribute kay Pia ang 86 official candidates ng 65th Miss Universe. May ticket selling ang tribute kay Pia.
SEEN: Aminado ang model/actor boyfriend ni Maxine Medina na si Marx Topacio na nasasaktan din siya sa mga pamba-bash sa pambato natin sa Ms. Universe 2016.
Lalo raw napi-pressure si Maxine dahil sa mataas na expectations sa kanya.
Kaya nandiyan lang daw siya para sumuporta. Kaya okay lang daw na matagal-tagal din silang ‘di nagkikita dahil kailangang mag-focus ni Maxine sa competition.
Nakikita raw niya ang determinasyon kay Maxine na mag-back to back win ang Pilipinas sa Miss U dahil iyon daw ang inaasahan ng mga tao sa kanya.
SEEN: Samantala, kinumpirma ng Ms. Universe 1994 Sushmita Sen na darating siya ng bansa para umupong judge sa Ms. Universe. Darating din daw si Ms. Universe 1993 Dayanara Torres na inaasahang magiging judge din.
Sa Lunes na raw darating si Dayanara at doon na lang niya kukumpirmahin kung uupo nga ba itong judge. Lalong nakaka-pressure raw ito kay Maxine.
ALL THE GIRLS THOUGH PHYSICALLY TIRED AND HAVING LESS SLEEP ARE REALLY ENJOYING THEIR JOURNEY IN THE WONDERFUL ISLANDS OF THE PHILIPPINES. ITS ACTUALLY TRUE. ITS REALLY MORE FUN IN THE PHILIPPINES !!!
Kasi naman po sa DAVAO po ang Fashion Show and they are promoting the Mindanao Groups so i think appropriate naman siguro na kulitangan ang ginawang background music.
Para sa maraming kaibigan ni Tim Yap na um-attend sa birthday party ng newly-engaged TV host/businessman, may mali sa pagkakadeklara kay Isabelle Daza-Semblat bilang grand winner ng Miss Universe-themed birthday party na ‘yon.
Yes, walang ka-question-question na kopyang-kopya ni Isabelle ang nanay niyang si Gloria Diaz nang maging Miss Universe 1969 ito.
Pero hindi yata nalinaw sa mga nag-judge na ang category sa birthday party-contest na ‘yon ay best in national costume!
Yes, sa imbitasyon daw ni Tim ay malinaw na “come in your best national costume” ang nakalagay.
Ang fashion designer na si Rajo Laurel ay nag-effort na ang cape ay 20 kilos at 10 kilos ang headdress, ang sinasabing deserving na maging winner sa pa-contest na ‘yon ni Tim.
Ang ganda raw ng best in national costume ni Rajo at unfair daw para sa fashion designer na special award lang ang napunta sa kanya.
Si Isabelle ang pinapanalo ng judges.
Usap-usapan ng karamihan sa mga um-attend sa birthday party ni Tim ang pagkakamaling ‘yon na dapat daw na maituwid.
At si Isabelle, dapat lang daw bigyan ng special award para sa idea niya na maging kamukha ng kanyang nanay na na-achive naman niya, huh!
Inusisa namin si Rajo tungkol doon at ang sabi lang niya ay hindi siya nagrereklamo.
Happy daw siya for Isabelle.
Happy rin daw siya sa trip to Amampulo prize niya.
Pero ang problema, hindi happy ang circle of friends nila sa nangyari.
Puwede raw mai-correct para next time, mag-effort uli ang lahat sa pag-iisip ng costume.
Tutal, sponsor yata sa birthday party ni Tim ang Thai Airways, puwede sigurong bigyan din ng trip to Europe prize si Rajo to be fair!
Si Miss USA Deshauna Barber, hindi kayang makipagplastikan kapag pagod na siya.
Dedma na raw siya sa mga gustong mag-interview at nakasimangot na raw ito sa mga gustong mag-interview sa kanya.
NGAYONG araw na rin daw ang dating ng Ms. Universe 1993 Dayanara Torres, pero wala pang kinukumpirma ang Ms. Universe Organization tungkol dito.
Hindi pa rin nila sinasabi kung kasama ba si Dayanara sa mga uupong judge kasama ang 1994 Ms. Universe Sushmita Sen.
Si Sushmita lang ang nag-confirm na magdya-judge siya, dahil ipinost na nito ang pagbabalik niya ng Pilipinas after 23 years.
Nakatutok ang Pinoy fans ng beaucons sa nalalapit na coronation dahil maraming Ms. Universe title-holder na magsasama-sama.
Nandito na ang tatlong Miss U natin na sina Gloria Diaz, Margarita Moran at Pia Wurtzbach, sasamahan pa sila nina Dayanara at Sushmita.
Pinag-uusapan ang iba’t ibang karakter ng mga kandidata ng 65th Miss Universe
Dito mo makikita ang kakaibang karakter ng bawat kandidata na nagre-represent ng kani-kanyang bansa.
Halos lahat sa kanila ay nagpapapansin para mapag-usapan at maging paborito ng karamihan.
Kagaya nitong si Ms. Colombia Andrea Tovar na walang bukambibig kundi “I love you, Philippines!”
Huwag lang matapat sa kanyang bibig ang mic, titili na siya ng ganu’ng pang-eklay.
Magmula nang napabalita ang galing sa salitang beki ni Ms. Costa Rica Carolina Rodriguez, nanghahatak na raw ito ng mga reporter para ibida ang galing niya sa salitang beki.
Super tsika raw sila sa media.
Si Ms. Poland Izabella Krzan ay panay keber daw kung makabawas score niya, hindi na raw siya sumama sa Baguio at sa isang event sa Pasay dahil gusto lang daw niya magpahinga.
Naikuwento rin ng isang source namin na hindi ito nakasama sa fashion show sa Vigan, dahil may nakain daw ito na ikinasira ng tiyan niya.
Kaya iyun na rin ang napapansin ng karamihan.
Ang daming ipinapagawa sa mga kandidata, talagang sinulit at pinagod ang mga kandidata.
Sana, makapagpahinga na raw sila kapag malapit na ang pageant night at makapag-focus na rin sa competition.
Ang ibang kandidata ay nag-aaral na ring mag-ayos ng sarili. Ayaw nilang iasa na lang sa make-up artist dahil magiging abala ang mga ‘yan sa ibang kandidata.
Kagaya nitong si Ms. Venezuela na ang galing daw mag-make-up ng sarili kaya ayaw na niyang pa-make up sa ibibigay na make-up artist.
Itong si Ms. Korea raw, panay ang dikit kay Ms. Venezuela dahil gustong mag-aral sa pagmi-make-up.
Dedma raw si Ms. Venezuela.
In fairness kay Maxine Medina, talagang pinag-aralan daw niya ang tamang make-up.
Kasi, ang make-up artist dapat niya ay umatras dahil ang gusto raw ng major sponsor na Mac ay pumirma rin ng isang taong kontrata sa kanila itong make-up artist ni Maxine.
Ayaw niyang magpatali nang isang taon sa iisang produkto, kaya tinuruan na lang niya si Maxine ng tamang pagmi-make-up at nakuha naman ito ng dalaga.
Hindi na nga tinatago nina Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach at ang Fil-Swiss race car driver na si Marlon Stockinger ang kanilang relasyon. Ikinatutuwa ni Pia na may dugong Pinoy ang nagpatibok ng kanyang puso.
Marami ang gustong malaman kung paano ba nagsimula ang love story ng dalawang ito. Sa isang interview kay Marlon, nagkuwento lang ito ng ilang detalye tungkol sa pagkakakilala niya kay Pia.
Ayon sa 25-year old race car driver, matagal na raw niyang kilala si Pia bago pa man ito naging Miss Universe.
“We always knew each other from the same social circles.
“I think it was just this year that we’ve gotten to connect and it’s just been wonderful. And I am very happy with what we have right now.”
Ang maganda raw kay Pia ay kahit na hindi nito suot ang Miss Universe crown, wala naman daw pagkakaiba sa personality nito kapag nasa publiko siya.
“Without the crown, Pia is pretty much the same. The nice thing about her is that she’s unfiltered. What you see it what you get with her.
“She’s her genuine self even without her crown.
“She’s 100 percent true and honest with how she is,” ngiti pa ni Marlon.
Ang pumunta sa beach ang unang gagawin ni Miss Universe Philippines Maxine Medina, anuman ang maging resulta ng pagsali niya sa 65th Miss Universe na mangyayari sa January 30 sa Mall of Asia Arena.
“Nami-miss ko na gawin, ang pumunta sa beach like out of town talaga,” ang sabi ni Maxine nang makausap namin siya noong Sabado sa meet and greet ng PLDT Home para sa mga kandidata ng 65th Miss Universe.
Sa tanong kung hihingin niya ang tulong ng isang interpreter sa question and answer ng Miss Universe kung sakali na mapili bilang isa sa mga top candidate, sinabi ni Maxine na wala pa itong natatanggap na ‘balita’ pero kino-consider niya na gumamit ng translator.
Aware si Maxine na nag-aaway-away na ang mga Pilipino dahil sa isyu ng paggamit niya ng interpreter pero natutuwa siya sa mga natatanggap na suporta.
“Nakakatuwa naman na lahat ng Pilipino, nararamdaman ‘yung kaba, ‘yung takot pero same with them, siyempre pressured din ako kasi gusto ko rin ma-keep ‘yung crown for the country,” ani Maxine.
Ang favorite fashion designer ni Maxine na si Rhett Eala ang gagawa ng gown at national costume na gagamitin niya sa Miss Universe competition.
Tumanggi si Maxine na i-describe ang design ng national costume niya dahil hindi pa raw puwedeng ipakita o sabihin.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasama-sama sa dinner na ginanap sa Okada Manila Hotel noong Sabado sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margie Moran at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Out of the country si Gloria noong January 28, 2016 kaya si Margie lang ang sumipot sa homecoming tribute para kay Pia na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Nagkita sa dinner sina Maxine at Gloria na nakatikim din ng mga batikos dahil sa statement niya na one in a million ang tsansa na magkaroon ng back to back win sa Miss Universe ang Pilipinas dahil ito ang host country.
Hindi minasama ni Maxine ang opinyon ng outspoken former beauty queen dahil ayon sa kanya, misunderstood lamang si Gloria.
Sa panayam ni Mario Dumaual kina Margie at Maxine, ang maging good hostess ng bansa ang payo ng former Miss Universe sa Philippine bet sa 65th Miss Universe.
“All I want to tell her is to be a good hostess and just enjoy it because when you enjoy it, you’re gonna be happier,” ang payo ni Margie kay Maxine.
“I am pleased to meet you ma’am, I’m so excited, I’m enjoying it, that’s why I’m happier naman,” ang tila flattered na sagot ni Maxine na inulit lang ang mga sinabi sa kanya ng Miss Universe 1973.
Muntik nang hindi matuloy noong Sabado ang meet and greet ng PLDT Home para sa mga kandidata ng 65th Miss Universe dahil sa busy schedule ng mga contestant.
Kinansela noong Biyernes ng umaga ang imbitasyon para sa nasabing event pero kinagabihan, nagdesisyon ang mga organizer na ituloy ang meet and greet pero mahigpit ang bilin nila na makakausap lamang ang mga kandidata mula 11:35 am hanggang 12:25 pm sa isang function room ng SMX Convention Center.
Mahigpit ang mga miyembro ng Philippine National Police dahil hindi nila basta pinapapasok ang mga bisita na walang ID, maliban na lang kung personal na susunduin ng event organizer.
Kung mahigpit ang PNP members na hindi masisisi dahil ginagawa lamang nila ang kanilang mga tungkulin, over acting naman ang mga Pinoy security ng mga kandidata dahil panay ang awat nila sa mga miyembro ng media na ihinto ang interbyu dahil kakain pa ang mga contestant.
Mema o may masabi lamang ang mga Pinoy security personnel na mga nagpapanggap na busy at ginagawa ang kanilang mga responsibilidad dahil una, tapos nang kumain ang mga kandidata (natawa kami sa isang umaawat na Pinoy security dahil siya pala ang nagugutom.
Habang sinasaway niya ang mga reporter, pasimple siya na pumunta sa buffet table at kumuha ng pagkain pero tuloy ang kanyang pagsasalita na pakainin muna ang mga contestant).
Pangalawa, ang mga contestant ang kusang lumalapit sa mga miyembro ng media at nakikipagkuwentuhan tulad ni Miss Universe Colombia Andrea Tovar na nag-uumapaw ang PR, kahit naging biktima ng bashing dahil sa mga komento niya tungkol sa mga natanggap na welcome gift nang dumating siya sa Pilipinas.
“I’m just being myself!” ang sagot ni Tovar nang sabihin namin na isa siya sa mga kontrobersyal na kandidata ng 65th Miss Universe.
Isyu ang diumano’y pagkakaroon ni Tovar ng attitude pero sa PLDT meet and greet, siya ang kandidata na pinaka-accommodating at pinakamaraming kuwento.
Hindi nawawalan ng activities ang mga Miss Universe contestant pero wala sa mga itsura nila na pagod na pagod na sila. Nababalitaan na lang natin na nahihimatay ang ilan sa kanila dahil sa over fatigue.